Baril ng mga sekyu sinelyuhan ng PNP
MANILA, Philippines - Upang mabawasan ang mga biktima ng indiscriminate firing kaugnay ng pagsalubong sa Bagong Taon ay sinelÂyuhan na rin kahapon ng Philippine National Police ang mga dulo ng baril ng mga security guard sa buong bansa.
Ang pagseselyo ng baril sa mga security guard ay unang isiÂnampol ng PNP sa Araneta Center sa Cubao, Quezon City na pinangunahan ni PNP Security Supervisory Office (PNP-SOSIA) Director P/Sr. Supt. Dominador Tubon.
Maging ang dulo ng baril ng mga security guard sa Robinson’s Magnolia sa Aurora Boulevard, Quezon City ay sinelyuhan din.
Susunod ding selyuÂhan ng mga District ComÂmanders ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang dulo ng mga baril ng iba pang grupo ng mga security guard sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at ang mga Regional at City Director naman ang mangunguna sa pagseselyo ng mga baril ng mga sekyu sa mga urban cities sa iba pang bahagi ng bansa.
Nabatid na umaabot sa 5,500 ang mga security guard sa buong bansa na ang pinakamalaking bilang ay nakadestino sa mga establisyemento at mga malls sa Metro Manila.
Nilinaw naman ng opisyal na tulad ng mga pulis, maaari pa ring gamitin ng mga guwardiya ang kanilang mga baril kung may mga nagaganap na kriminalidad at maÂging para sa self-defense.
Samantalang muli ring ipinaalala ni Tubon na isang kasong kriminal ang sinumang masasangkot sa indiscriminate firing sa pagsalubong sa Bagong Taon at titiyakin ng PNP na pananagutin sa batas ang mga indibidwal na masasangkot dito.
- Latest