Bonifacio, kikilalaning unang Pangulo ng Pilipinas
MANILA, Philippines - Nais ng Makabayan bloc sa Kamara sa kanilang resolusyon na inihain na kilalanin si Andres Bonifacio bilang kauna-unahang presidente ng Pilipinas.
Kabilang sa Makabayan bloc na naghain ng House Resolution No. 651 ay sina Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, ACT Teachers Party-List Rep. Antonio L. Tinio, GABRIELA Women’s Party Rep. Luz Ilagan at Rep. Emmi de Jesus, ANAKPAWIS Rep. Fernando Hicap, KABATAAN Rep. Terry Ridon, at BAYAN MUNA Rep. Carlos Isagani Zarate.
Kasabay nito hinihikayat din ang Pangulo na siyang mag-takda sa pamamagitan ng Department of Education at Commission on Higher Education na siyang gumawa ng hakbang kung paano ipapaalam at itutuwid ang katotohanan sa history books, elementary, high school at tertiary education at iba pang kahalintulad na medium of information.
Base umano sa orihinal at authentic documents ng Philippine revolution laban sa bansang Spain at pinatunayan ng historians tulad nila Milagros C. Guerrero, Emmanuel N. Encarnacion at Ramon N. Villegas, si Andres Bonifacio ang unang nagtatag ng national government ng Pilipinas at nagsilbing pangulo mula August 24, 1896 hanggang sa pagkamatay nito noong May 10, 1897.
Ginawa umano ang national convention ng Kataas-taasang Kapulungan o National assembly ng Katipunan noong Agosto 24, 1896 sa lugar ni Melchora Aquino sa Barrio Banlat na ngayon ay bahagi ng Caloocan at sa nasabing pagpupulong ay nagpasa sila ng resolution na nagdedeklara ng nationwide armed revolution laban sa Spain, pagtatatag ng National GovernÂment at paghahalal ng mga opisyal na mamumuno sa bansa at sa army.
Bukod sa Manila, ang Katipunan ay mayroong malaking bilang mula sa ibang chapters sa Batangas, Laguna, Cavite, Rizal, Bulacan, Pampanga, Tarlac at Nueva Ecija, at maliit na chapters sa Ilocos Sur, Ilocos Norte, Pangasinan gayundin sa Bicol region na tinatayang mayroong miyembro na 30,000 hanggang 400,000.
- Latest