Elementary principal inatado

MANILA, Philippines - Isang elementary school principal ang brutal na pinatay nang pagsasaksakin ng  hindi pa nakilalang mga suspek na pumasok  sa kanyang bahay kamakalawa ng gabi sa Brgy. Lanao Kuran, Arakan, North Cotabato.

Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa Arakan District Hospital dahil sa mga tinamong mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay kinilalang si Renato de Pedro, principal sa Lanao Kuran Elementary School sa nasabing bayan.

Sa ulat bago naganap ang krimen sa lugar dakong alas-8:40 ng gabi ay pinagbabato umano ng ilang kalalakihan ang bahay ng biktima.

Ilang saglit ay puwersahan nang pinasok ng mga salarin ang bahay ng biktima at pinagtulungang pagsasaksakin.

Narinig pa ng kaniyang mga kapitbahay na humihingi ng saklolo ang biktima kaya’t mabilis namang tumakas ang mga salarin, habang ang biktima ay mabilis namang isinugod sa pagamutan ng pamilya nito, subalit nabigo nang maisalba ang buhay nito.

Show comments