Pangulo ng TODA tinodas

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang pangulo ng Tricycle Operators-Dri­vers Association (TODA) nang pagbabarilin habang nagpapaligo ng kanyang mga alagang baboy ng dalawang lalaki na naka motorsiklo kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City.

Ang nasawi ay kinilalang si Luis Gragasin, 60, ng M. Delos Reyes St., Gen. T. De Leon, ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-4:30 ng madaling-araw ay nagpapaligo ng mga alagang baboy si Gragasin sa likod ng kanyang bahay nang sumulpot ang dalawag lalaki at sunud-sunod na pagbabarilin  ito.

Isang saksi ang nakakita sa dalawang lalaki na tumatakas sakay ng motorsiklo.

Hinala ng pulisya na ang motibo ay posibleng kaugnayan sa posisyon ng biktima bilang  pangulo ng Fortune Extension Tricycle Operators and Dri­vers Association.

 

Show comments