3 katao dedo sa amok

MANILA, Philippines - Nasawi ang tatlong katao kabilang ang lala­king nag-amok naganap kahapon sa Brgy.Sta.Cruz, Antipolo City.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Romeo Gutlay at Joseph Justa kapwa residente ng Sitio Sapu, Brgy. Sta. Cruz at ang nag-amok na si Jonathan Hinentesa, nasa legal na edad at sinasabing may sakit sa pag-iisip.

Anim naman ang malubhang nasugatan na pawang isinugod sa Antipolo District Hospital at Amang Rodriguez Medical Center sa Marikina City.

Batay sa ulat, dakong ala-1:00 ng hapon nang mag-umpisang magwala si Hinentesa at bigla na lamang manghalihaw ng taga sa kanyang mga taga-lugar.

Nagawa namang manlaban ng ilan niyang mga biktima at naagaw ang itak na ginamit rin sa pagtaga na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Show comments