^

Police Metro

Mag-ina pinatay sa bahay Christmas Day murder...

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa mismong araw ng Pasko natagpuang patay ang isang mag-ina sa loob ng kanilang bahay matapos na pasukin at pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga suspek kahapon ng madaling-araw sa Talisay City, Cebu.

Kinilala ang mag-ina na biktima na sina Carlota Caña, 38-anyos na idineklarang dead-on- arrival sa Talisay District Hospital dahil sa tinamong tama ng bala sa kaliwang braso na lumagos sa dibdib habang ang anak nitong si Christian Caña, 20-anyos na nagtamo ng limang tama ng bala sa katawan ay binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Vicente Sotto Memorial Medical Center.

Sa ulat, matapos na salubungin ang Pasko at magsalo sa noche buena ay natulog na ang mag-ina.

Habang  mahimbing na natutulog ang mag-ina sa loob ng kanilang bahay na matatagpuan sa Sitio Riverside, Brgy. Lawaan II, Talisay City dakong ala-1:20 ng madaling-araw nang pasukin sila ng mga suspek.

Walang sabi-sabing pinagbabaril si Christian na narinig naman ng ina nito na nagawa pang makahingi ng saklolo sa may bintana saka nagtatakbo.

Gayunman, hinabol ito ng isa sa mga suspek saka pinagbabaril hanggang sa bumulagta.

Pinaniniwalaang 357 magnum o kaya naman ay cal  38 revolver ang ginamit ng mga salarin base sa tinamo ng mga itong tama ng bala, subalit nabigo ang mga imbestigador na makarekober ng mga basyo ng bala sa crime scene.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa kaso upang madetermina ang motibo ng krimen at inaalam na rin kung may kinalaman ang nakahiwalayang mister ng ginang ang motibo ng krimen o kung may kaaway ang anak na posibleng niresbakan.

vuukle comment

BRGY

CARLOTA CA

CHRISTIAN CA

PASKO

SITIO RIVERSIDE

TALISAY CITY

TALISAY DISTRICT HOSPITAL

VICENTE SOTTO MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with