2 lalaki sinalvage sa QC

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang biktima ng salvage ang natagpuang bangkay ng dalawang lalaki sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:00 ng madaling-araw nang matagpuan ng isang barangay tanod ang unang bangkay na nakahandusay sa kahabaan ng Edsa, partikular sa Oliveros St., Brgy. Àpolonio Samson at inilarawan na nakasuot ng kulay gray na pantalon at kulay puting t-shirt, nasa pagitan ng edad 30-40, may taas na 5’2”, at katamtaman ang pangangatawan. Ang ikalawang biktima ay natagpuan dakong alas-7:00 ng umaga sa kahabaan ng Payatas Road, Group 3, Brgy. Payatas.

 

Show comments