Dalawang matandanatupok sa sunog
MANILA, Philippines - Dalawang matanda na kapwa may kapansanan ang nasawi matapos hindi makalabas sa nasusunog nilang bahay kahapon ng madaling-araw sa Malate, Maynila.
Kinilala ang mga nasawing sina Rosario Garcia, 95 na may katarata at Rodolfo Castro, 62 na may polio at katarata rin.
Batay sa ulat, dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang sumiklab ang sunog sa hindi pa malaman bahay sa Zapanta St., na mabilis na kumalat sa 50 bahay na pawang gawa sa light materials.
Ayon kay Noli Garcia, apo ng biktimang si Rosario, sinubukan nilang iligtas ang kanyang lola at tiyuhin, subaÂlit naging mabilis ang pangyayari at pagkalat ng apoy.
Nahirapan din ang mga bumbero na pasukin ang lugar dahil sa masikip ang daan at dikit-dikit ang kabahayan.
Tumagal ng halos dalawang oras ang sunog bago ito tuluyang naapula at inaalam pa ng mga otoridad ang pinagmulan ng apoy at kung magkano ang halaga ng naabong ari-arian.
- Latest