^

Police Metro

4 sekyu na humarang kay Mayor Binay pinarangalan

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinarangalan ng Dasmariñas Home ­ow­ners Village Association ang apat nilang security guard sa pagtupad ng kanilang tungkulin nang harangin ang convoy ni Makati City Mayor Junjun Binay.

Ayon sa mga residente ng DAVA na patuloy pa rin sa kanilang trabaho ang mga security guard na binigyan pa ng komendasyon at regalo na pirmado ang liham ni DHVA President Jay Pantangco. 

Ang komendasyon umano ay dahil sa “upholding and implementing” ang mga polisiya ng  village. 

Sa panuntunan ng DAVA, ganap na isinasarado ang Banyan Gate pagsapit ng alas-10:00 ng gabi para sa seguridad at lahat umano ng residente at bisita ng ekslusibong village, maging opisyal man ng pamahalaan o ng malaking korporasyon ay sumusunod sa panuntunan.

Magugunita na noong Nobyembre 30 ay hinarang ng mga security guard ang convoy ni Mayor Binay at nakita sa video footage ang komprontasyon ni Mayor Binay at ng mga security guard.

Rumesponde ang mga tauhan ng Makati City Police at dinala ang mga security guard sa istasyon, subalit itinanggi ng pamahalaang lungsod na pinaaresto ng batang Binay mga ito.

Kinampihan rin ni Vice President Jejomar Binay ang anak dahil sa tingin niya ay nararapat na bigyan ng konting respeto ang pinuno ng lungsod.

vuukle comment

BANYAN GATE

MAKATI CITY MAYOR JUNJUN BINAY

MAKATI CITY POLICE

MAYOR BINAY

PRESIDENT JAY PANTANGCO

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

VILLAGE ASSOCIATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with