Mataas na pang-noche buena na ibinebenta: Ilang supermarket, buking sa DTI

MANILA, Philippines - Buking sa mga tauhan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang 4 sa 10 supermarkets sa Metro Manila na nagbebenta ng mataas na presyo ng mga produktong pang-noche buena at hindi sumusunod sa itinakdang Suggested Retail Price (SRP).

Tinukoy ng DTI ang mga supermarkets na nagbebenta ng mataas na presyo na kinabibilangan ng Ever Gotesco Supermarket sa Ortigas Extension; Landmark Supermarket sa Makati City; Rustan’s Supermarket sa Shangri-La, Mandaluyong City; at Super 8 sa may Shaw Boulevard, Mandaluyong City.

  “We commend these supermarkets for confor­ming to the SRPs of Noche Buena products. We call on other establishments to follow their lead to ensure that prices of Noche Buena products are reasonable this Christmas season,” ayon kay DTI-Consumer Welfare and Business Regulation Group (CWBRG) Officer-in-Charge Atty. Victorio Mario Dimagiba.

Sinabi rin nito na ang apat na supermarket na nadis­kubre nilang lumalabag sa SRP ay sobra ng P.50 hanggang P21.25 ang presyo sa ilang mga bilihin tulad ng ham, fruit cocktail, keso, palaman sa tinapay, spaghetti, elbow, salad macaroni, spaghetti sauce, tomato sauce at iba pa.

 Mula nang magsagawa ng pinaigting na operasyon sa loob ng dalawang linggo, nasa siyam na supermarket na ang kanilang natagpuan na hindi sumusunod sa tamang SRPs sa mga produkto.  Pinadalhan na ang mga ito ng “Show Cause Order (SCO)” upang pagpaliwanagin sa kanilang ginawa.

 

Show comments