MANILA, Philippines - Dalawang bangkay ng lalaki na hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuan sa isang barangay sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay SPO1 Pascual Fabreag, isa sa mga biktima ang hindi pa nakikilala habang ang isa ay natukoy sa nakuhang identification card mula sa kanya na si Carlos de Guzman.
Ang hindi pa nakikilalang biktima ay nakasuot ng kulay green na t-shirt at dark na asul na short pants na tinatayang nasa edad na 35-40, kayumanggi, may taas na 5’5 at may tattoo na EveÂlyn, Jeffrox at Murphy.
Habang si de Guzman na nakasuot ng kulay dilaw na t-shirt at itim na short pants ay isinalaÂrawan sa pagitan ng edad na 35, may taas na 5’6â€, kayumanggi, at may mga tattoo na “Mallari Marc†at “Flores R-Vie†sa katawan.
Sinabi ni Fabreag, nagsasagawa pa siya ng masusing imbestigasyaon para matukoy at madakip ang mga taong responsable sa pagpatay sa dalawang biktima.
Aniya, ang dalawang biktima ay pinaslang halos isang oras ang pagitan sa Barangay Bahay Toro, kamakalawa ng alas-9:30 ng gabi.
Kapwa nagtamo ng tama ng bala sa ulo gayundin ang bakas ng pagkakasakal sa kanilang leeg ang dalawang biktima.