MANILA, Philippines - Matapos ang mahigit na isang buwan sa kamay ng kanyang kidnaper na mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG), isang negosyanteng Taiwanese ang nailigtas sa isinagawang operasyon ng pinagsanib na elemento ng pulisya at militar sa liblib na lugar sa Talipao, Sulu kamakalawa.
Kinilala ni Col. Jose Johriel Cenabre, Commander ng 2nd Marine Brigade at Task Force Sulu ang nasagip na bihag na si Evelyn Chang, isang negosyante sa Sabah, Malaysia.
Batay sa ulat, dakong alas-3:55 ng hapon sa Sitio Karija Anil, Brgy. Libam, Talipao, Sulu ay napilitan ang mga kidnaper na abandonahin si Chang upang hindi masukol ng tumutugis na puwersa ng pamahalaan.
Nabatid na nagsagawa ng operasyon ang mga opeÂratiba ng lokal na pulisya at ng 2nd Marine Brigade matapos na makatanggap ng impormasyon hinggil sa presensiya ng bihag na si Chang sa nasabing lugar.
Si Chang ay dinukot ng mga armadong bandido noong Nobyembre 15, 2013 ng taong ito sa Pulao, Pulong –Pulong Sampurna, Sabbah, Malaysia kung saan dinala at itinago ito ng mga kidnapper sa bayan ng Indanan, Sulu.