MANILA, Philippines - Nilamon ng apoy ang Zamboanga City Police Station 7 dahil sa over charge na laptop kamakalawa ng hapon sa Brgy. Sta. Maria ng lungsod.
Batay sa ulat, dakong ala-1:00 ng hapon nang magsimulang lamunin ng apoy ang nasabing himpilan partikular na ang investigation section.
Mahigit 30 minuto ang nangyaring sunog bago tuluyang naapula ng mga rumespondeng bumbero.
Wala namang naiulat na nasugatan at nasawi sa nasabing insidente bagaman nasunog ang mga computer at mga dokumento na gamit sa imbestigasyon ng mga pulis na nakatalaga dito.
Sa imbestigasyon na isang laptop na nag-overheat matapos na makalimutang tanggalin sa outlet ang koneksyon nito.
Nabatid na sa sobÂrang abala sa trabaho ay nakalimutan at napabayaan umano ng isa sa mga staff ng nasabing himpilan ang nakasaksak na laptop sa outlet ng kuryente.