MANILA, Philippines - Hindi maaaring kainin ang mga shellfish tulad ng tahong, talaba, at halaan mula sa Zamboanga del Sur at Bataan dahil sa taglay nitong red tide toxins.
Ito ang inianunsyo ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Director Asis Perez kaya’t inabisuhan na nila ang mga lokalidad ng naturang mga lugar na huwag payagang makaraÂting sa mga palengke ang shellfish para makaiwas na malason ang taong makakakain.
Gayunman, maaari namang kainin mula sa natuÂrang mga baybayin ang isda, pusit, hipon at alamang bastat linisin lamang na mabuti.
Ligtas namang kainin ang shellfish mula sa baybayin ng Cavite, Las Piñas, Parañaque, Navotas at Bulacan sa Manila Bay gayundin sa baybayin ng Bolinao, Anda, Alaminos, Wawa, Bani, Pangasinan, Masinloc Bay Zambales, Milagros, Mandaon sa Masbate, Huag Lagoon sa Matnog, Sorsogon Bay, Sorgoson, Honda at Puerto Bays sa Puerto Princesa City at Inner Malampaya Sound Taytay sa Palawan, President Roxas, Panay Roxas City, Ivisan at Sapian sa Capiz, E.B MagalonaPontevedra, Pulupandan, Valladolid, Talisay City, Silay City, Bacolod City, Hinigaran Cadiz City, Victorias City, Bago City, Binalbagan at San Enrique Negros Occidental, Maqueda Bay, Villareal Bay, Irong Irong Bay, Canbatutay Bay, baybayin ng Calbayog City Western Samar, Matarinao Bay sa Eastern Samar, Ormoc San Pedro, Cancabato, Carigara Bays sa Leyte, Biliran Waters sa Biliran Province, Hinatuan, Bislig, Lianga sa Surigao del Sur, Balite Bay, Mati Davao Oriental,Taquines Lagoon sa Benoni, Mahinog, Camiguin Island at Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte at Misamis Occidental.