Kotongero ng barya itinumba

MANILA, Philippines - Isang 37-anyos na lalaki na umano ay kabilang sa sinasabing ‘barya boy’ o nanghihingi ng barya sa  mga motorista ang pinaulanan ng bala ng riding-in-tandem, habang nanghihingi ng barya sa dumaraang truck kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.

Namatay noon din ang biktimang  si Vermon Batenga, nakatira sa   PUJ Parking Aragon St., Sta. Cruz, Maynila.

Ang gunman ay may taas na 5’4”-5’5”, nakasuot ng itim na helmet at jacket, maong na pantalon at rubber shoes.

 Sa ulat, dakong alas-11:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa Cristobal St. Sampaloc, Maynila habang abalang nanghihingi ang biktima sa mga nagdaraang truck  kasama ang kanyang kapatid na si Allan Kristoffer nang lapitan  ng isa sa mga suspek at pinaputukan nang sunod-sunod.

Show comments