Kotongero ng barya itinumba
MANILA, Philippines - Isang 37-anyos na lalaki na umano ay kabilang sa sinasabing ‘barya boy’ o nanghihingi ng barya sa mga motorista ang pinaulanan ng bala ng riding-in-tandem, habang nanghihingi ng barya sa dumaraang truck kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.
Namatay noon din ang biktimang si Vermon Batenga, nakatira sa PUJ Parking Aragon St., Sta. Cruz, Maynila.
Ang gunman ay may taas na 5’4â€-5’5â€, nakasuot ng itim na helmet at jacket, maong na pantalon at rubber shoes.
Sa ulat, dakong alas-11:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa Cristobal St. Sampaloc, Maynila habang abalang nanghihingi ang biktima sa mga nagdaraang truck kasama ang kanyang kapatid na si Allan Kristoffer nang lapitan ng isa sa mga suspek at pinaputukan nang sunod-sunod.
- Latest