^

Police Metro

Pagsundo kay Baby Lirasan, na-late ng 5 minuto

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang bala ay hindi para sa 18 buwang gulang na si Phil Tomas Lirasan, nasawi sa barilan kahapon sa NAIA-3 matapos tumagos ang bala sa ulo nito na agad nitong ikinamatay.

Ayon sa mga Lirasan hindi nila kilala si Labangan, Zamboanga del Sur Mayor Ukol Talumpa. Nagkataon lang na nandun din ito sa arrival area ng  airport katabi ang mga  Talumpa nang dumating ang  motorcycle-riding killers at binaril ang mayor, misis nito na si Lea at pamangkin na si Salipudin Talumpa.

Pinagbabaril din ng mga suspek ang mga Lirasan na kararating lang mula sa Bacolod City na kung saan ay tumama ang bala sa ulo ni Phil Tomas na agad nitong ikinamatay habang ang ina nito na si Marie Ann, 28 ay tinamaan sa kamay.

Ayon sa tiyuhin ng baby na si Navy petty officer Felipe Lirasan na nahuli lamang sila ng 5 minuto kung hindi anya trapik ay maaaring nakaligtas sa kapahamakan ang mga kaanak niya.

Idinagdag pa ni  Felipe na bago nangyari ang insidente ay kausap niya sa telepono si Marie Ann at sinabi na dumating na sila nang makarinig sila ng mga putok ng baril.

Nasugatan din ang lola nito na si Amalia Lirasan, 58  at pinsan ng sanggol na si Dianne Uy at kapwa dinala sa East Avenue Medical Hospital sa  Quezon City.

 

 

vuukle comment

AMALIA LIRASAN

AYON

BACOLOD CITY

DIANNE UY

EAST AVENUE MEDICAL HOSPITAL

FELIPE LIRASAN

LIRASAN

MARIE ANN

PHIL TOMAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with