^

Police Metro

PNP nasa alert status

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasa heightened alert status na kahapon ang buong puwersa ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng pagdiriwang ng pasko at pagsalubong sa Bagong Taon.

Ito ang inihayag ni PNP Chief Director General Alan Purisima at ipinauubaya na niya sa mga Regional Police Director kung itataas sa full alert status (pinakamataas ng alerto ng PNP) dahilan ang mga ito ang nakakaalam sa sitwasyon  ng peace and order sa mga lugar na kanilang nasasakupan.

Inihayag naman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/Chief Supt Carmelo Valmoria na bilang panimulang hakbang sa mapayapang pagsalubong sa Kapaskuhan  ay senelyuhan na ng mas­king tape ang dulo ng mga baril ng daang mga pulis sa Metro Manila upang makatiyak na hindi magagamit sa indiscriminate firing ang nasabing mga baril.

Ayon pa sa opisyal na ang maagang pagse­selyo  sa  dulo ng mga baril ay sa kadahilanang ilang araw bago ang pagdiriwang ng pasko ay mayroong mga matitigas ang ulong pulis na sinasalubong ang pasko sa pamamagitan ng indiscriminate firing.

 

vuukle comment

BAGONG TAON

CHIEF DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

CHIEF SUPT CARMELO VALMORIA

DIRECTOR P

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

REGIONAL POLICE DIRECTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with