MANILA, Philippines - Nagsagawa ng committee hearing kahapon ukol sa 300 ektaryang reclamation project sa Manila Bay at dito ay pinagsusumite ng Pasay City Council ang S&P Construction and Technology Development Co. at Ayala Land Inc. ng kanilang position paper.
Ayon kay Councilor Allan Panaligan, isinagawa ang pagdinig base na rin sa kahilingan ng SM Land Inc. upang mabigyan sila ng oportunidad para magpaliwanag ukol sa pagkaka-award sa kanila ng P54.5 bilyong proyekto.
Sa halip, nagpadala na lamang ang SM Land Inc. ng position paper para sa kanilang “motion for reconsideration†matapos na bawiin ng konseho ang inaprubahang kontrata para sa “Joint Venture Agreement (JVA)†sapagitan nila at ng pamahalaang lungsod ng Pasay.
Sa kanilang position paper, iginiit ng SM Land Inc. na ang JVA ay isa nang perpektong kontrata at hindi na maaaring bawiin.
Agad naman itong kinontra ng mga kinatawan ng S&P at Ayala Land na dumalo sa pagdinig. Sinabi ni Atty. Mark Perette ng S&P na hindi maaaring ituring na “perfected contract†ang JVA dahil sa mga pagdududa sa isinagawang proseso sa pagpili ng PPP-SC sa kumpanyang magsasagawa ng reclamation.
Sa position paper pa ng SM Land Inc., hindi na sila dadalo sa anumang pagdinig ng Sangguniang Panglungsod dahil sa malinaw na nilang naihayag ang kanilang katayuan sa usapin. Dito na pinagsusumite ng Sanggunian ang S&P at Ayala Land ng sarili nilang “position paper†ukol sa proyekto.