MANILA, Philippines - Nalambat sa isang entrapment operation ang isang barangay chairman matapos na hingan ng P15,000 ang 10 fruit vendor kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.
Ang suspek ay kinilaÂlang si Brgy. 285 Chairman Richmond Liu, 37 ng no. 619 Asuncion St. Tondo, Maynila.
Sa ulat ni Chief Insp. Bernabe Irinco, Jr., hepe ng Manila Action and Special Assignment (MASA), isa sa mga vendor ang nagtungo sa kanyang tanggapan upang ireklamo ang panghihingi ni Liu sa kanyang mga kapwa vendor ng prutas ng P15,000 bawat isa at Makapagtitinda lamang umano ang mga vendor kung magbibigay ng nasabing halaga.
Agad na isinagawa ang entrapment operation dakong alas 3:45 ng hapon sa mismong barangay hall ni Liu kung saan dinakma ito sa aktong tinatanggap ang marked money.
Nagtataka rin ang mga vendor kung bakit ngayon lamang sila hiniÂngan ng nasabing haÂlaga samantalang halos limang taon na silang nagtitinda sa lugar.