MANILA, Philippines - Dapat lagyan ng mas mataas na railings ang South Metro Manila Skyway upang maiwasan ang pagkahulog ng mga sasakyan.
Ito ang hiling ni Dasmariñas City, Cavite Rep. Elpidio Barzaga sa pamunuan ng Skyway Operations and Management Corp (SOMCO) upang hindi na umano maulit pa ang insidente nang pagkahulog tulad na nangyari sa Don Mariano Transit Bus na nabagsakan ang isang close van noong Lunes ng umaga na ikinasawi ng 18 katao at pagkasugat ng 16 iba pa.
Umapela rin si Barzaga sa Land Transportation Office (LTO) na bawiin ang lisensya ng mga reckless driver at patawan ng lifetime ban upang madisiplina.
Hinikayat din ni Barzaga ang Land Transportation and FranÂchising Regulatory Board (LTFRB) na kanselahin ang prangkisa ng mga paÂsaway na bus companies upang magsilbing halimbawa sa iba pa.