Pananalig ng Pinoy sa Diyos naging matatag

MANILA, Philippines - Nananatiling matatag ang pananampalataya sa Panginoon ng mga Filipino sa kabila ng hagupit ng bagyong Yolanda sa Visayas region.

Sinabi ni Borongan Eastern Samar Bi­shop Crispin Varquez na lalo pang tumibay at tumatag ang pananalig sa Panginoon ng mga Eastern Samar matapos ang kanilang mapait na karanasan sa bagyong Yolanda.

Ayon kay Bishop Varquez, mas lalong dumami ang mga taong dumalo sa mga misa at pagsisimula ng Simbang gabi at misa de gallo kung saan mas naging mas lively, mas mea­ningful at naging matatag ang pakikiisa ng mga mananampalataya sa celebration ng misa.

Sinabi ng Obispo na ang mga pari ay sa labas ng nasirang simbahan nagmimisa at sa mga ground ng mga kumbento.

 Binigyan diin ng Obispo na kahit ang pabugso-bugsong pag-ulan ay hindi kayang pigilan ang mga tao sa pagdalo ng Simbang gabi at Misa de gallo na indikasyon ng kanilang matibay na pananampalataya sa Diyos.

Ayon pa kay Bishop Varquez na ang Diocese of Borongan ay binubuo ng 18-parishes kung saan 15-simbahan ang matin­ding napinsala o nasira ng bagyong Yolanda.

 

Show comments