230 kabahayan sa Butuan nasunog
MANILA, Philippines - Malungkot ang magiging pasko ng mga residente sa dalawang komunidad sa Butuan City, Agusan del Norte matapos na masunog ang may 230 bahay kamakalawa ng hapon.
Sa ulat ni CARAGA Police Spokesman Supt. Martin Gamba, dakong alas-12:40 ng hapon nang kumalat ang apoy sa mga kabahayan sa Purok IV, Brgy. Fort Poyohon ng lungsod.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Butuan City Fire Marshal, ang sunog ay nagmula sa bahay ng isang tinukoy sa pangalang Tata Belluga.
Dahil sa malakas umano ang hangin ay nadamay ang mga katabing bahay na pawang gawa sa light materials na nasa 200 kabahayan.
Idineklara na kontrolado ang sunog bandang ala-1:40 ng hapon.
Nasunog din ang 30 kabahayan sa tabi ng highway sa hilagang kanlurang direksyon ng Brgy. Obrero, Salvador Calo Avenue.
Idineklara ng mga bumbero na kontrolado ang sunog dakong alas-3:00 ng hapon.
Pansamantalang inilikas sa Brgy’s Covered Court ang mga residenteng nawalan ng bahay.
- Latest