CBCP nababahala sa media killings
MANILA, Philippines - Labis na ikinalulungkot at ikinababahala ni CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs chairman Manila auxiliary Bishop Broderick Pabillo ang patuloy na pagpatay sa mga media personnel o ang lumalaÂlang “culture of impunity†sa Pilipinas.
Itinuturing ng Obispo na isang masamang record ang hindi masugpu-sugpong pagpatay sa mga mamamahayag sa bansa sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III.
Sa nakalipas na daÂlawang linggo, tatlong media personnel ang pinaslang ng mga hindi pa kilalang salarin.
Ayon kay Bishop Pabillo na ang lumalalang culture of impunity sa bansa ay indikasyon na hindi seryoso o walang ginagawa ang gobyerno para mahuli at maipakulong ang mga salarin.
Ayon kay Bishop Pabillo, ang isang bansa o lipunan ay hindi makakatayo kung walang katotohanan na siyang tanging layunin ng mga mamamahayag.
Kaugnay nito, hinamon ng Obispo ang pamahalaan na kumilos at seryosohin ang paghahanap at paghuli sa mga salarin.
Naninindigan si BiÂshop Pabillo na dapat pangalagaan at protektahan ng pamahalaan ang kaligtasan ng mga mediaman na tanging nagsasabi ng katotohanan.
- Latest