Parking attendant utas sa maling akala

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 23-anyos na lalaki nang ito ay saksakin ng isang mister na inakala na ang kausap ay kanyang misis gayung ang kakambal pala ng kanyang misis,naganap kamakalawa ng gabi sa Parola Compound, Binondo, Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si Carl Stephen Aladamo, residente ng  No.   517 Area H, Gate 60, Parola Compound, Binondo, Maynila.

Tumakas naman ang suspek na kinilalang si Robert Manalang Jr., 22-anyos, janitor at residente ng   Moriones kanto ng Franco St. Tondo, Maynila.

Batay sa ulat, dakong alas -10:30 ng gabi sa Gate 58,  Area H, Parola Compound, Binondo ay nakikipag kuwentuhan ang  biktima sa isang Angela  Valencia at, dalawa pang lalaki  nang makita ng  suspek at nagselos ito.

Walang sabi-sabi na inundayan nang saksak ng suspek ang biktima, subalit ganun na lamang ang pagkagulat nito nang malaman na hindi pala ang misis niya ang kausap ng biktima kundi ang kambal kaya’t agad na ito ay tumakas.

 

Show comments