MANILA, Philippines - Nakatakdang busisiin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ulat na may nawawala at nakawan sa mga donasyong relief goods mula sa pribadong sector para sa mga Yolanda victims.
Ito ang inihayag ni DSWD Eastern Visayas head Nestor Ramos bilang reaksiyon sa ilang media reports na nakarating na sa mga pamilihan at naibebenta na ang ilang food packs gayundin ay talamak umano ang bentahan nito sa online sites.
Una nang naipakita sa telebisyon na ang Meals-Ready-to-Eat (MREs) na food pack na kasama sa naipadalang ayuda ng US Agency for International Development (USAID) para sa mga biktima ng bagyong Yolanda ay naibebenta na sa halagang P220 kada isa sa mga tindahan sa Metro Manila.
Naglipana rin ang mga relief items na naibebenta na ngayon sa mga pamilihan bunga ng pagkakaroon ng ilang local corrupt officials sa pamahalaan kayat di nakararating ang tulong ng ibat ibang bansa sa mga biktima ng kalamidad.