20 vendors na istorbo sa overpass dinampot

MANILA, Philippines - Dahil nakakasagabal sa daanan ng mga pedestrian ay hinuli ng mga otoridad ang may 20 illegal vendors sa Litex overpass, Quezon City.

Ang mga dinakip ay kinilalang sina Anwar Sultan; Roy Bersabe; Roel Bulabao; Jamali Din Racman; Elsie de Vera; Ariel Tobias; Rhenzen Arquero; Huro Maca­rambon; Raisah Macote; Allan Bantilla; Norhaya Mao; Roxanne Ampatua; Samsodin Taurac; Mari­lyn Rosario; Sammy Usman; Norjanah Akas; Normalia Macapando; Hadji Abdul Gaffur; Abdul Mama; at Alsiah Alampac.

Nabatid sa pulisya na sinasakop na umano ng mga nasabing vendor ang kabuuang lugar ng overpass dahil sa mga inilalatag nilang pa­ninda kung kaya nagi­ging masikip at hindi na makausad ng maayos ang mga dumaraang publiko.

Ganap na alas-4:30 ng hapon nang simulang salakayin ng tropa ng QCPD-CIDU ang Litex overpass, partikular sa may Westbound ng Brgy. Commonwealth sa lungsod.

Malinaw na  lu­mabag sa city ordinance 10700 o operating without business permit at obstruction of pedestrian ang mga vendors kaya’t kinasuhan ang mga ito.

Show comments