^

Police Metro

73-anyos na trader inutas

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pitong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng isang 73-anyos na lolo  nang pagbabarilin ng dalawang lalaki sa harap ng isang internet shop kahapon ng mada­ling-araw sa Brgy. Sagad, Pasig City.

Namatay noon din ang biktima na nakila­lang si Rodolfo Oregas, residente ng 176 Dr. Pilapil St., Barangay Sagad.

Tumakas ang dalawang suspek na lulan ng isang kulay orange na tricycle na may body no. 328.

Sa ulat, dakong alas-4:00 ng madaling-araw ay naglalakad ang biktima sa Dr. Pilapil St., ng barangay pauwi sa kanilang bahay at pagtapat ng A-site Internet Café ay pinagbabaril ito ng mga suspek.

Isang testigo ang nagsalaysay sa pulisya na nakita niya ang isa sa gunman na nakasuot ng kulay itim na jacket at sombrero na aktong papasakay sa isang tricycle.

Inaalam pa nila ang motibo ng pamamaslang sa biktima kung may kaugnayan ito sa negos­yong paupahan nito.

vuukle comment

BARANGAY SAGAD

BRGY

DR. PILAPIL ST.

INAALAM

INTERNET CAF

ISANG

PASIG CITY

RODOLFO OREGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with