MANILA, Philippines - Upang mapababa ang bilang ng mga biktima ng paputok tuwing Kapaskuhan lalo na sa pagsalubong ng Bagong Taon ay inilunsad na ng Department of Health ang Oplan Aksyon: Paputok Injury Reduction (APIR).
Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, sesentro sa mga batang madalas mabiktima ng mga paputok ang kampanyang may temang “Maging Ligtas NgaÂyong Kapaskuhan, mga Biktima ng Kalamidad Handugan.â€
Kabilang sa paulit-ulit na paalala ng DOH na mapanganib ang paggamit ng paputok; lahat ng paputok ay bawal sa bata; umiwas sa mga taong nagpapaputok; huwag mamulot ng mga hindi sumabog na paputok at kaagad magpagamot kapag naputukan.
Iminungkahi ni Ona sa halip magpaputok ay lumikha na lamang ng ingay tulad ng torotot, busina, lata at iba pa, makisaya sa ibang paraan tulad ng street party, concert at palaro.
Maaari rin anyang magmuni-muni sa mga aral ng nakaraang taon at pag-isipan ang mga hakbangin tungo sa mas masaganang 2014.
Sisimulan ng DOH sa Disyembre 21 ang pag-monitor sa firecracker-related incidents sa tulong ng Philippine National Police (PNP), Department of Interior and Local Goverment (DILG), Department of Trade and Indusry (DTI) at EcoWaste Coalition.