^

Police Metro

Oplan APIR umarangkada

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Upang mapababa ang bilang ng mga biktima ng paputok tuwing Kapaskuhan lalo na sa pagsalubong ng Bagong Taon ay inilunsad na ng Department of Health ang Oplan Aksyon: Paputok Injury Reduction (APIR).

Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, sesentro sa mga batang madalas mabiktima ng mga paputok ang kampanyang may temang “Maging Ligtas Nga­yong Kapaskuhan, mga Biktima ng Kalamidad Handugan.”

Kabilang sa  paulit-ulit  na   paalala ng DOH na  mapanganib ang paggamit ng paputok; lahat ng paputok ay bawal sa bata; umiwas sa mga taong nagpapaputok; huwag mamulot ng mga hindi sumabog na paputok at  kaagad magpagamot kapag naputukan.

Iminungkahi ni Ona sa halip  magpaputok ay lumikha na lamang ng ingay tulad ng torotot, busina, lata at iba pa, makisaya sa ibang paraan tulad ng street party, concert at palaro.

Maaari rin anyang magmuni-muni sa mga aral ng nakaraang taon at pag-isipan ang mga hakbangin tungo sa mas masaganang 2014.

Sisimulan ng DOH sa Disyembre 21 ang pag-monitor sa firecracker-related incidents sa tulong ng Philippine National Police (PNP), Department of Interior and Local Goverment (DILG), Department of Trade and Indusry (DTI) at EcoWaste Coalition.

BAGONG TAON

DEPARTMENT OF HEALTH

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSRY

HEALTH SECRETARY ENRIQUE ONA

KALAMIDAD HANDUGAN

KAPASKUHAN

MAGING LIGTAS NGA

OPLAN AKSYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with