MANILA, Philippines - Bilang tugon sa napagkasunduang power-shaÂring agreement sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF) ay nagbanta ang Moro National LibeÂration Front (MNLF) ng giyera na tulad ng kanilang ginawa sa Zamboanga City, subaÂlit, minaliit lamang ito ng Armed Forces of the Philippines (AFP)
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col. Ramon Zagala, nais ng AFP na wakasan na ang lahat ng panloob na banta sa pambansang seguridad sa mapayapang pamamaraan tulad sa MILF upang makamtan na ang minimithing kapayapaan sa MindaÂnao Region.
Nabatid na muling uminit ang pagbabanta ng MNLF matapos magkaroon ng positibong kaganapan sa pagkakalagda sa power sharing ng pamahalaang Aquino at ng MILF.
Sinabi ni Zagala na sakaling magsagawa muli ng kaguluhan ang MNLF ay nakahanda ang AFP na supilin ito.
Inihayag ng AFP na hindi na nila nais maulit pa ang naganap sa Zamboanga siege noong Setyembre na tumagal ng 20 araw na kumitil ng mahigit 200 buhay.
Tiwala naman ang AFP na tatalima at igagalang ng MNLF ang nilagdaang final peace agreement ng pamahalaan sa kanilang grupo noong 1996.