MANILA, Philippines - Naghain ng senate resolution si Senador Antonio “Sonny†F. Trillanes IV upang imbestigahan ang nakabinbing malaking pagtaas ng singil ng kuryente ng Manila Electric Company.(Meralco)
Sa Senate Resolution No. 411 na inihain ni Trillanes, inungkat nito ang Republic Act 9136 o ang EPIRA Law na ang layunin ay ang magkaroon ng abot kayang singil sa kuryente. Ngunit, ang nakaambang pagtaas ng singil sa kuryente ng Meralco ay labag sa layunin ng nasabing batas.
Gustong malaman ni Trillanes kung totoong nagkakaroon ng sabwatan ang mga power plants at ang mga hindi maipaliwanag na dami ng beses na pagkawala ng suplay ng kuryente noong magsara ang Malampaya.
Magugunita na inaprubahan ng Energy Regulatory Commission ang implementasyon ng nasabing pagtaas ng singil na umaabot sa higit Php4 kada kilowatt hour, ang pinakamataas na naitala sa kasaysayan ng bansa na hahatiin sa tatlong bahagi.
Ang una at pinakamalaking bahagi ay ang Php2.41 kada kilowatt hour na pagtaas na inaasahang maipaÂtutupad ngayong buwan ng Disyembre; ang ikalawa ay ang Php1.21 kada kilowatt hour na ipatutupad sa Pebrero; at ang pangatlo ay ang Php0.53 kada kilowatt hour na makikita naman sa singil sa buwan ng Marso. Dagdag pa rito, ang iba pang bahagi ng kabuuang singil sa kuryente ay inaasahang tumaas din gaya ng VAT, local franchise tax at transmission charge.
Ang nasabing pagtaas sa singil ay dahil sa pagtaas ng generation charges na dulot ng pansamantalang pagsasara at pagsasaayos ng Malampaya natural gas platform, kung saan kumukuha ng malaking porÂsyento ng suplay ng kuryente ang Meralco.