Tsinoy trader dedo sa ambus

MANILA, Philippines -Isang negosyanteng Tsinoy ang nasawi nang ito ay barilin sa likod ng hindi pa kilalang suspek  habang ito ay naglalakad kamakalawa sa Brgy. Guadalupe, Esperanza, Agusan del Sur.

Namatay noon din ang biktima na si Suripo Yu, biyudo, residente ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, bandang alas-10:00 ng gabi ay kasalukuyang naglalakad ang biktima sa Purok 2, Brgy. Guadalupe nang sumulpot mula sa likuran nito ang mga suspek at pagbabarilin.

Mabilis na nagsitakas ang mga suspek nang matiyak na patay na ang biktima.

Ayon sa mga residente na nakita nila ang mga suspek na gumagala sa lugar na umano ay may inaabangan.

 

Show comments