MERALCO, iimbestigahan ng Kamara

MANILA, Philippines - Sisimulan na ng Kamara bukas, araw ng Martes ang kanilang gagawing imbestigasyon sa Manila Electrict Company (MERALCO) kaugnay sa big­laang power rate hike nito.

Ayon kay Bayan Muna partylist Rep. Carlos Isagani Zarate, sinabihan na siya  ng chairman  House Committee on Energy na si Oriental Min­doro Rep. Reynaldo Umali na itinakda na nila ang imbestigasyon sa power rate hike ng  MERALCO bukas ng alas-9:30 ng umaga.

Ito ay base na rin sa inihaing House Resolution 588 ng mambabatas para sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa napakalaking pagtataas sa singgil ng kuryente, mula P3 hanggang P3.50 per kilowatt hour, na siguradong makakaapekto sa publiko.

Show comments