^

Police Metro

2 Estudyante nagpakamatay

Ludy Bermudo at Cristina Go Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang estud­yante ang nagpa­kamatay, ang isa ay tumalon sa ika-24 na palapag na gusali habang ang isa ay nagbaril sa kanyang sarili na naganap sa magkahiwalay na lugar sa Maynila at Cavite City noong Sabado.

Ang unang biktima ay estudyante ng Technological Institute of the Philippines (TIP) na tumalon mula sa ika-24 na palapag na tinutuluyang condomi­nium, sa Malate, Maynila.

Bali ang dalawang binti at putok ang kilay ng biktimang si Jethro Mark Pechon, 20, 1st year  Electronics Communication Engineering (ECE) sa TIP  at nanunuluyan sa Unit  2423 ng Grand Tower II Condominium  na matatagpuan sa  #790 P. Ocampo St., Taft Ave­nue, Malate, Maynila.

Mula sa 24th floor ay bumagsak sa swimming pool na nasa ika-7 palapag na gusali ang biktima.

Sa ulat ni SPO1 Ri­chard Escarlan ng Manila Police District-Homicide Section, nabatid na ang pagpapakamatay ng biktima ay naganap noong Sabado ng gabi dakong alas-8:55.

Hindi pa batid ng pulisya ang dahilan ng pagpapakamatay ni Pechon.

Samantala, nagbaril naman sa kanyang sarili ang estudyante ng STI na si John Paul Dimailig, 18, nakatira sa Blk 12, Lot 17, Manuelaville Subd., Brgy San Agustin 2,  Dasmariñas City, Cavite..

Sa imbestigasyon ni PO1 Elmer Belaro may hawak ng kaso, dakong ala-1:40 ng hapon noong Sabado nang madiskubreng walang buhay ang biktima sa loob ng kanilang tahanan na may tama ng bala sa kanyang dibdib.

Sinasabing improvised shotgun o sumpak ang umanoy’ ginamit ng biktima sa kanyang pagpapakamatay.

Isang suicide note ang nakuha sa tabi ng biktima, pero nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad para mabatid kung may foul play sa naganap na insidente.

 

vuukle comment

BRGY SAN AGUSTIN

CAVITE CITY

ELECTRONICS COMMUNICATION ENGINEERING

ELMER BELARO

GRAND TOWER

JETHRO MARK PECHON

JOHN PAUL DIMAILIG

MAYNILA

SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with