MANILA, Philippines - Pinaglalamayan na rin ang isang anak nang ito ay pagbabarilin habang nakaupo sa tabi ng kabaong ng namatay na ama kahapon ng madaling-araw sa Navotas City.
Ang biktima na namatay noon din ay nakilaÂlang si Alfredo Leongson, 48, ng Leongson Extention St., Barangay San Roque.
Batay sa ulat, alas-3:30 ng madaling-araw, habang nakaupo ang biktima sa tabi ng kabaong ng kanyang ama na pinagÂlalamayan sa kapilya sa kanilang lugar ay biglang sumulpot ang suspek sa bintana at pagbabarilin na ikinasawi nito.