4 rebelde napatay sa engkuwentro

MANILA, Philippines - Apat na pinaghihinalaang miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang nasawi sa magkahiwalay na ope­rasyon sa Maco, Compostela Valley.

Nabatid na dalawa sa napatay ng mga sundalo ay babae nang magka-engkuwentro sa liblib na lugar ng Barangay Teresa habang ang da­lawa pang  rebelde na napaslang ay naganap sa Barangay Malamodao.

Narekober ng mga sundalo ang isang hand grenade, magazine para sa  M16 at backpacks.

 

Show comments