76-anyos lolo natupok sa sunog
MANILA, Philippines - Hindi na nakalabas sa nasusunog niyang bahay ang isang 76-anyos na lolo matapos na ma-trap habang nilalamon ng apoy ang kanilang bahay kamakalawa ng gabi sa Makati City.
Ang nasawi ay kinilalan si Santiago Alupinto, 76, ng #1292 Barrio Visaya St., Barangay Guadalupe Nuevo ng naturang lungsod.
Sa imbestigasyon, dakong alas-8:55 ng gabi nang magsimula ang sunog sa bahay ng isang Crisanto Nespero na mabilis na kumalat sa 34 kabahayan kasama ang bahay ng nasawing si Alupinto.
Dahil sa katandaan ay hindi nakalabas ang biktima dahilan upang ma-trap ito hanggang sa matupok.
Malaki ang hinala ng mga otoridad na natumbang kandila ang pinagmulan ng sunog dahil sa matagal na umanong walang kuryente sa lugar.
Umabot sa ikatlong alarma ang sunog at idineklarang under control dakong alas-9:43 ng gabi.
- Latest