^

Police Metro

Paslit dedo sa palo ng tabo

Boy Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay habang nilalapatan ng lunas ang isang 3-anyos na si Jaira Macapagal dahil sa mga tinamong sugat sa ulo at katawan nang pagpapaluin ng tabo ng kanyang menor de edad na tiyuhin kamakalawa sa Brgy. San  Juan, Balagtas, Bulacan.

Tumakas naman ang suspek na itinago sa pa­ngalang Pepe, 15, residente ng Ma. Corazon Subdivision, Brgy. San Juan sa naturang bayan.

Sa ulat, dakong alas-8:00 ng umaga ay umuwi ng bahay mula sa trabaho ang ama ng biktima na si Joget Macapagal at dito ay nakita ang anak na nanghihina na at may mga pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nang usisain ni Joget ang kapatid na suspek ay sinabi nitong nahulog ang biktima mula sa bintana kaya’t dinala nila ito sa ospital.

Subalit, nang siyasatin ng mga otoridad ay lumabas na ang mga natamong sugat ng biktima ay mula sa palo ng tabo ng suspek na nairita dahil sa patuloy nitong pag-iyak tuwing hinahanap ang ama habang ang ina naman si Jennifer Macapagal ay nagtatrabaho sa ibang bansa bilang domestic helper.

 

vuukle comment

BALAGTAS

BRGY

BULACAN

CORAZON SUBDIVISION

JAIRA MACAPAGAL

JENNIFER MACAPAGAL

JOGET

JOGET MACAPAGAL

SAN JUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with