^

Police Metro

Lady reporter inutas, lover nag-suicide

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ng isang port police ang kanyang live-in partner na radio reporter matapos ang mainitang pagtatalo dahil sa selos bago nito kinitil ang kanyang buhay kamakalawa ng gabi  sa Brgy. Bugo, Cagayan De Oro City.

Namatay noon din ang biktima na si Maricel Pamisa, 32-anyos,  reporter sa DXRU Radyo Ultra at residente ng nasabing lugar.

Nagtamo ang biktima ng anim na tama ng bala ng cal. 45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan partikular na sa likod na naglagos  sa kaniyang dibdib.

Namatay din ang suspek na si  Clemente Rosales Jr., 61-anyos, port police   nang magbaril ito sa ulo matapos mapatay ang biktima.

Sa ulat na tinanggap ni Cagayan de Oro City Police Director P/Sr. Supt. Graciano Mijares, dakong alas-9:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng maglive-in partner sa Zone 6, Old Water District, Brgy. Bogo ng lungsod.

Nabatid na bago nangyari ang krimen ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa dahil sa matin­ding pagseselos ng suspek  na pinaghihinalaan ang biktimang babae na may kalaguyo dahilan sa palagi itong ginagabi at nakapustura sa tuwing lalabas.

Narinig ng mga kapitbahay ang katuwiran ng biktima na kailangan nito sa trabaho ang magpaganda at walang sinabi sa suspek na wala siyang kalaguyo.

Hindi umano naniwala ang suspek at ilang saglit sunud-sunod na putok ng baril ang kanilang narinig na tumapos sa buhay ng biktima at matapos  ay nag-suicide naman ang suspek.

Nasamsam ng mga otoridad sa crime scene ang pitong basyo ng bala ng cal.45 pistol, limang cartridge at 9 pang live ammunition.

BRGY

CAGAYAN DE ORO CITY

CLEMENTE ROSALES JR.

GRACIANO MIJARES

MARICEL PAMISA

NAMATAY

OLD WATER DISTRICT

ORO CITY POLICE DIRECTOR P

RADYO ULTRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with