MANILA, Philippines - Mistulang niratrat ng armalite si Sen. Juan Ponce Enrile nang banatan ito kahapon ni Sen. Miriam Defensor-Santiago nang harap-harapan dahil sa iba’t ibang uri ng patutsada nito sa kanyang privilege speech tulad ng pagtawag dito ng sinungaling at kriminal.
Sa 45-minutong privilege speech ni Santiago inisa-isa ni Santiago ang mga dati ng akusasyon kay Enrile katulad ng mga krimen na nagawa umano nito noong panahon ng Martial Law habang siya pa ang defense secretary ng bansa.
Tinawag ni Santiago na sinungaling si Enrile nang sabihin nito na in-ambush siya noong panahon ni daÂting Pangulong Ferdinand Marcos na naging basehan para ideklara ang Batas Militar.
Kriminal din na tinawag si Enrile ni Santiago dahil sa diumano’y pagkamatay ng nasa 4,000 mamamayan na sinalvaged noong panahon ni Marcos.
May pagkakataon na habang nagsasalita si Santiago, ay dinuduro nito si Enrile na nakaupo malapit sa kinakatayuan niya na pangingingit lang habang naglalaro sa kanyang mini-ipad.
Itinuring din ni Santiago na si Enrile na “mastermind of the biggest plunder case in Philippine history†matapos umanong makatanggap ng pinakamalaÂking pork barrel sa pagitan ng 2005 hanggang 2013 na umaabot sa P1.189 bilyon.
Tinawag din ni Santiago si Enrile na “king of smuggling empire†dahil ito ang nagsulong na magkaroon ng Cagayan Economic Zone o CEZA kung saan umano talamak ang smuggling ng mga mamahaling sasakyan.
Tinawag din ni Santiago, si Enrile na ‘King of Martial Law illegal logging empire’ matapos maipagkaloob umano dito ang 95,770 hectares na logging concession noong panahon ng Martial Law.
Inakusahan din ni Santiago si Enrile na isang babaero o “psychopathic hypersexualized serial womanizer†na hiniwalayan umano ng kanyang asawa matapos maugnay sa kanyang chief of staff na si Atty. Gigi Gonzales-Reyes.
Sinabi pa ni Santiago na pumapatol din umano si Enrile sa mga domestic helpers, cooks at mga assistants.
Inakusahan din ni Santiago si Enrile na tinangkang i-pressure ang kanyang asawa na dating customs collector na i-release ang isang smuggled Toyota car na hindi nagbayad ng tamang buwis kaya na-forfeit.