^

Police Metro

Pulis-Pasay dedo sa drug raid

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang pulis-Pasay ang namatay nang ito ay mabaril sa isinagawang raid sa kuta ng isang mi­yembro ng sindikato ng iligal na droga at pang­hoholdap kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Ang biktima na idi­neklarang dead-on-arrival sa San Juan de Dios Hospital sanhi ng maraming tama ng bala sa katawan ay nakila­lang  si SPO1 Jesus Tizon, 40, nakatalaga sa Police Community Precinct 7, at residente ng Imus, Cavite.

Sa ulat ng Pasay Police, bago nangyari ang pamamaril dakong ala-1:49 ng madaling-araw ng mga miyembro ng sindikato sa pamumuno ng isang alyas Punggoy sa may Apelo Cruz St., Brgy. 157, Zone 16 ay nagsagawa  “routine beat patrol” sa Apelo Cruz Street ang mga pulis at pinapasok ang mga eskinita sa lugar nang mapahiwalay sa kanila si Tizon. 

Dito na sila nakarinig ng sunud-sunod na putok ng baril at nang kanilang puntahan ang pinagmulan ng putok  ay nakita ang duguang katawan ni Tizon habang nawawala ang caliber .9mm service pistol nito.

Nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Station Investigation and Detective Management Section sa pamumuno ni P/Chief Insp. Joey Goforth at natukoy ang bahay ng suspek na si alyas Punggoy na nagawang makatakas nang makatunog ang pagsalakay ng mga pulis.

Nakumpiska naman sa loob ng bahay ni alyas Punggoy ang li­mang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, mga paraphernalia, isang kalibre .45 baril, mga bala ng kalibre .45, magazine ng Uzi, isang granada, isang palakol, isang samurai, isang jungle bolo, isang baton knife, mga pera, iba’t ibang identification cards, limang basyong bala ng caliber .30 carbine rifle at 13 bala nito.

 

APELO CRUZ ST.

APELO CRUZ STREET

CHIEF INSP

DIOS HOSPITAL

ISANG

JESUS TIZON

JOEY GOFORTH

PUNGGOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with