Karnaper patay sa shootout
MANILA, Philippines - Napatay sa shooÂtÂout ang isang lalaki na umano’y karnaper nang ito ay makipagbarilan sa mga pulis kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City.
Walang nakuha na anumang pagkakakilanlan sa suspek na nakaÂlaÂgak sa Candido Funeral Homes.
Sa imbesÂtigasÂyon, dakong alas-4:00 ng madaÂling-araw nang makatanggap ng impormasyon ang mga pulis na tinangay ng suspek ang motorsiklo ni Rhoel Inocencio kaya’t nagsagawa ito ng Oplan Sita.
Habang nakalatag ang checkpoint sa kahaÂbaan ng A. Fernando St., Barangay Marulas ay namataan ang suspek na walang helmet kaya’t pinahinto ito, subalit mabilis na pinaharurot ng suspek.
Hinabol ng mga pulis ang suspek at pagsapit sa R. Delfin St., ay nakorner ito kung kaya’t nagbunot ng baril at pinutukan ang mga pulis. Gumanti ng putok ang mga pulis at napatay ang suspek.
- Latest