PHL-US Balikatan 2014 kasado na

MANILA, Philippines - Kasado na ang susunod na yugto ng taunang PHL-US Balikatan Exer­cise 2014 matapos ang Operation Damayan ng Estados Unidos na kabilang sa 16 bansang su­maklolo sa Pilipinas sa ma­tinding delubyo ng super bagyong Yolanda halos isang buwan na ang nakalilipas.

Ayon kay Philippine Army Spokesman Cap­tain Anthony Bacus, kasalukuyan ng nagsasagawang  Final Site Survey (FSS) at  Final Planning Conference (FPC)  ang  Philippine Army at  United States Ar­my personnel sa  Fort Magsaysay, Nueva Ecija at sa  Dusit Thani Hotel, Makati City.

Kasalukuyang nagsasagawa nang survey at pagsusuri para sa mapipiling Special Operations Command’s (SOCOM) training areas at mga pasilidad kung saan gaganapin ang  actual military bilateral exercise sa susunod na taon.

Nabatid na   pamumu­nuan  nina  Philippine Army Forces Field Trai­ning Exercise, (FTX) Final Site Survey (FSS) Team Colonel Glorivine  Dida at  US Army Forces FTX FSS Team na pinamumunuan naman ni  Major Anthony Williams ng 25th Infantry Division, US Army Pacific ang paghahanap sa mga lugar na gagamitin sa joint military exercise.

 

Show comments