MANILA, Philippines - Nakahandang tumulong si QC Vice Mayor Joy Belmonte sa mga suliranin ng Lesbian, Gay, Bi-sexual at Transgender (LGBT) community na kalimitan umanong nabibiktima ng deskriÂminasyon, harrassment, pang aabuso, bullying at iba pa.
Sa isinagawang LGBT summit magpagpapatupad ng bagong batas ang QC para labanan ang anti-descrimination sa mga LGBT at tuloy mabigyan ang mga ito ng dagdag na serbisyo tungkol sa edukasyon pangkalusugan, livelihood at iba pa na maaaring makatulong sa kanilang pag-unlad bilang isang mamamayan ng lungsod.
Bago ipatupad ang batas ay magsasagawa muna ng isang public consultation katulong ang mga barangay officials at mga private sector para malaman ang pangangailangan ng LGBT at kung paano sila matulungan para maÂging produkÂtibo sa bawat komunidad.