MANILA, Philippines - Nagtigil-pasada ang mga miyembro ng Federation of Jeepney Operators and DriÂvers Association of the Philippines (FEJODAP) sa Maynila bilang pagtuligsa sa mga pangoÂngotong umano ng mga tauhan ng Manila
Traffic Bureau sa mga traffic violations na kapag kinukumpiska ang lisensiya ay matagal na proÂseso bago nila ito makuha.
Ayon kay FEJODAP president Zeny Maranan, ang umano’y pangingikil sa kanila ng salapi ng mga traffic enforcers at ang mismong mga pulis ang nagpaÂpwesto sa kanila sa mga illegal terminal, subalit parang patibong umano ito para sila makotongan.
Kabilang sa mga naapektuhan ng strike ay ang mga biyahe mula sa MaÂlabon, Navotas, Caloocan at Baclaran, gayundin ang mga jeepney na dumaraan sa Blumetritt, Leon Guinto, Agoncillo, at Pandacan.
Dismayado rin si Maranan kay Vice Mayor Isko Moreno, nagsisilbing traffic czar ng Maynila dahil sa pagkabigo nitong aksyunan agad ang kanilang mga hinaing.