Bata, pisak sa SUV
MANILA, Philippines - Isang grade 7 na batang lalaki ang nasawi habang sugatan ang tatlo nitong pinsan makaraang masagaÂsaan ng isang rumaragasang Sports Utility Vehicle (SUV), sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.
Dead-on-the-spot dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Joshua Dejoseph, 12-anyos, ng #40 Tandangmanang St., Brgy. Parada, sa lungsod.
Inoobserbahan naman ngayon ng mga manggagamot sa Valenzuela General Hospital ang mga pinsan ni Dejoseph na sina Ghil Gapaz, 10-anyos; John Cedric Agustin, 8; at John Mel Agustin, 10, kapwa residente rin ng nabanggit na lugar.
Nadakip naman ng pulisya ang suspek na nakilaÂlang si Tomas Misajon, 63-anyos, residente ng Jamica Drive Arborn Town Village, General T. De Leon, ng naturang lungsod. Nahaharap ito ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at multiple frustrated homicide.
Sa ulat ng Valenzuela Police, naglalakad ang mga bata sa gilid ng kalsada sa may S. De Guzman St., Brgy. Parada dakong alas-2:30 ng hapon nang biglang araruhin ng rumaragasang Ford Everest na may plakang AFA 990 na minamaneho ni Misajon.
Pinakamalubhang pinsala ang natamo ni Joshua nang maipit ito sa sasakyan at pader. Agad namang sinaklolohan ng mga opisyal ng barangay ang mga biktima at isinugod sa pagamutan.
- Latest