MANILA, Philippines - Sinuwag ng delivery truck ang isang sari-sari store na ikinasawi ng dalawang katao kabilang ang isang 11-anyos na batang laÂlaki habang 16 ang nasugatan na naganap kahapon ng umaga sa bayan ng Barili, Cebu.
Ang dalawang nasawi ay kinilalang sina Jennifer Martillan, 22 at ang menor-de-edad na si Anderson Jason Vergara; pawang residente ng Brgy. Sta Ana ng bayang ito.
Dinala naman sa Barili District Hospital at Vicente Sotto Memorial Medical Center ang mga nasugatang biktima kabilang ang dalawang nasa kritikal na kondisÂyon.
Sa ulat, bandang alas-6:30 ng umaga nang maganap ang aksidente sa nasabing lugar nang mawalan ng preno ang 10 wheeler wing van hauler truck (YKP-197) ng JAK Logistics na minamaneho ni Adonis Quiñanola, 37.
Ang nasabing deliÂvery truck na naglalaman ng mga serbesa na mula sa Cebu at patuÂngong Malabuyoc, Cebu nang mawalan ng preno.
Tuloy-tuloy na sinalpok ng truck ang tindahan at nakaparadang multicab (GXV 308) sa tabi ng kanang bahagi ng highway sa nasabing barangay na agarang ikinasawi ng dalawang biktima.
Patuloy sa pagtakbo ang truck at sinuwag din nito ang computer house na pag-aari ni Edmund Concepcion na ikinasugat ng 16 biktima.