MANILA, Philippines - Nasa desisyon ni Bureau of Customs Commissioner Ruffy Biazon kung maghahain ito ng kanyang bakasyon matapos makasama sa ikalawang batch ng mga opisyal ng gobyerno na inirekomenda ng NatioÂnal Bureau of Investigation na sampahan ng kaso kaugnay sa P10 bilyong pork barrel scam.
Ito ang inihayag ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma, Jr., dahil kung legal na aspeto ang pag-uusapan, dadaan pa sa review at evaluation process ng Ombudsman ang kaso ni Biazon at iba pang inireklamo ng NBI na kasuhan sa Sandiganbayan, pero sa ngayon ay wala pang batayang legal para magbakasyon si Biazon.
Sinagot ni Coloma ang tanong kung dapat ng bumaba sa puwesto si BiaÂzon dahil sa delicadeza ay sinabi na nasa desisyon ng indibidwal ang tinatawag na delicadeza.
Inihayag din ni Coloma na balak ni Pangulong Benigno Aquino III na kausapin si Biazon matapos makasama sa ikalawang batch na nadawit sa pork barrel scam.
“Ang sabi po ng ating Pangulo ay magkakaroon po ng pagkakataon mapag-uusapan--o kakausapin niya si Commissioner BiaÂzon hinggil dito. Iyon lang po ang kanyang sinabi,†pahayag ni Coloma.
Wala rin umanong impormasyon si Coloma sa mga kumakalat na espikulasyon na balak nang tanggalin ng Pangulo sa puwesto si Biazon.
Ang BoC ay isa mga binanatang ahensiya ng Pangulo sa kanyang pinakahuling State of the Nation Address (SONA), pero hindi ito naging dahilan para bumaba sa puwesto si Biazon.