Hindi nakapag-intrega sa kinuhang shabu... 30 bala itinanim sa mag-utol na pusher
MANILA, Philippines - Tinadtad ng bala ang isang magkapatid na umano’y pusher ng apat na kalalakihan na miÂyembro ng isang sindikato ng droga matapos hindi umano nakapag-intrega sa pinagbentahan nilang shabu kamakalawa sa Olongapo City.
Ang magkapatid na namatay noon din ay kinilalang sina Mariel, 34, at Marvin Alferos, 33, kapwa residente ng no. 79-C Otero Avenue, Barangay Mabayuan ng lungsod.
Sa paunang pagsisiyasat ng mga nagrespondeng pulis sa pangunguna ni P/S Ins. Edmer Gloria, hepe ng Sta. Rita Police Station, dakong alas-5:30 ng umaga nang puntahan ng apat na laÂlaki ang bahay ng magkapatid upang kolektahin ang bayad sa naunang kinuhang droga.
Malaki ang hinala ng pulisya na walang naintrega ang magkapatid sa apat na suspek na nagsusuplay sa kanila ng droga at sa galit ng mga ito ay pinagbabaril nang walang kalaban-laban.
Nang masigurong patay na ang magkapatid ay mabilis na tumakas ang mga suspek na hindi muna pinangalanan ng mga otoridad.
Nasamsam sa lugar ng krimen ang mahigit sa 30 basyo ng bala mula sa kalibre 45 at 9mm na baril na nagkalat pati na ang mga cell phone at tablet computer ng mga suspek.
- Latest